December 30, 2015

A Netizen Describes Mar Roxas and Rudy Duterte as if they Were Suitors


Election time is comparable to ligawan time and candidates are the masugid na manliligaw who are promising the almost-impossible stuff just to get the voters "yes" in the coming elections. Which is correct right? Now there is a clever Facebook user by the name of Ton Clemente, and he brilliantly describes or compares Mar Roxas and Rudy Duterte to a typical Pinoy suitor. Read his post below.

"Si Mar yung parang manliligaw mo na awkward. But not the Tom Hardy o Stephen Colbert type of awkward na cute at charming. Nope. Siya yung tipong medyo mahihiya kang isama sa mga lakad ng barkada kasi baka makipag-fist bump o chest bump na naman kahit hindi naman dapat. And let’s not forget the verbal diarrhea na napapa-360 degree-eye roll ka tuwing ginagawa niya kaya tuloy nagmumukha kang cast member ng Exorcist sa harap ng barkada. But to be fair, ok naman siya. Naka-graduate naman (Econ! UPenn!), mukhang mabait, at kaya niyang buhayin ang magiging pamilya niyo pati na rin ang extended family mo. Pero yun nga siguro yung dahilan kung bakit parang nakukulangan ka. OK LANG kasi siya. Hindi siya masyado exciting. Sa isip mo, you deserve someone better! Susugal ka na rin lang, e di dun na sa “the one.” Kaya hindi mo siya masyadong pinapansin. Kumbaga, high in awareness but not exactly your top choice. Kahit andyan siya, you’re keeping your options open at naghahanap ka ng iba.

Tapos pasok sa eksena si Rody, ang manliligaw mong bad boy. Hindi siya yung Robin Padilla type ng bad boy though. Mas Justin Bieber, pre-Purpose post-Baby. Yung hindi na nga maginoo, sobra pang bastos. For some reason, ang lakas talaga ng appeal ng mga bad boy ano? Yung pakiramdam mo na may poprotekta sa ‘yo from the bad elements tuwing magka-date kayo. Yung pag sinabi niyang, “Tumahimik ka na,” mapapatahimik ka talaga. Yung tipong sa puso mo naniniwala ka na gagawin mo siyang project at na mababago mo siya sa bisa ng pagmamahal mo sa kanya. So you flirt with the idea na bigyan siya ng chance. At dahil ilang beses mo nang napanuod ang One More Chance, you want to stop asking “what if” and start knowing “what is.”

Until one day he hits you. At first nara-rationalize mo pa e. “Siguro kasalanan ko kaya niya yun nagawa. Kasi nagsindi ako ng fireworks nung New Year kahit sabi niya wag.” O kaya, “Umuwi kasi ako ng 1AM. Napasarap ang kwentuhan ng barkada dahil despedida ng isang kaibigan. E kaso sabi niya 11pm dapat umuwi.” The hitting continues kahit wala ka namang ginagawa. Ang sinasabi mo lang, “Ganun lang talaga siya pag galit. Mabait naman yun.” Hanggang wala ka nang maidahilan at takot ka na lang sa kanya. Let’s not forget na tuwing may nasasabi sya sa yong masakit, biglang kakabig na, “ito naman di na mabiro.” At ang isang misteryong di mo masagot-sagot e nasan na kaya yung isa mo pang manliligaw na kinaiinisan niya? Hindi mo na ma-contact at hindi na rin siya nagparamdam. Dun mo na-realize na exciting lang sa umpisa, pero nakakasakal at nakakatakot pala talaga. Ayaw mo pala ng ganun. Gusto mo yung malaya ka pa rin naman kahit pano. At na safe naman sana in the process yung mga tao sa paligid mo. Dahil hindi pa huli ang lahat, naisipan mong balikan si Mar at tanungin siya kung pwede kayang siya na lang, siya na lang ulit.

Siyempre tatanggapin ka niya uli. Mag-uusap kayo sa may hagdan at tatanungin mo siya, “Can you love a failure?” Sasagot siya ng, “Ako pa ba!?” At dahil wala namang iba, babalikan mo siya. Nagdadalawang-isip ka pa rin though. Kasi hindi ba para kang nag-settle? Dahil wala nang iba, siya na lang? Pero ano bang masama sa pag-“settle?” We will always “settle” naman di ba kasi there is no way na makakahanap tayo ng “best” manliligaw. It’s not as if pwede kang magpatawag ng town hall meeting, imbitahin lahat ng potential manliligaw mo at doon sila husgahan. Basta ma-meet niya ang ilan sa non-negotiables mo ok na siguro yun?

Dahil na-establish na nga natin na napanuod mo na ang One More Chance, alam mo ring it takes two grown-ups to make a relationship work. So you have to pull in some weight naman in the relationship. Magpapakabait ka. Susuporta ka. Tatawid ka sa tamang tawiran ganyan. At kung talagang wala, binigo ka—tipong sumakay na naman siya sa motor na walang helmet, o nakipag- fist bump o chest bump na naman kahit hindi dapat—well, hope against all hope na someday, may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin, matatanggap naman tayo at mamahalin. Hopefully in 6 years time.
What are your thougts after reading Clemente's post? Share it through the comment section below.

Source: Ton Clemente

0 comments: